Isang araw ay
ginunita ng guro ang pinagsamahan niya at ng kanyang mabuting estudyante.
Inilarawan niya ang kanyang estudyante bilang pinakamaliit at pinakapangit sa
buong klase na mayroong kakatuwang punto na nagpapakilalang siya ay taga-ibang
lugar. Ngunit sa kabila nito, siya ay palaging nagpapaiwan tuwing hapon
sapagkat tumutulong siya sa mga tagalinis, tinutuwid ang mga upuan at bago
umalis ay lumilingon upang magsabi ng “Goodbye,teacher!” At di nagtagal,
nalaman ng guro na siya ay munting ulilang galing sa lalawigan na lumuwas sa
malaking lungsod upang mamasukan kung kaya’t napagtanto ng guro na maliban sa
itsura, ang mga iyon ay dahilan din ng kanyang madalas na pag-iisa. Simula nang
kanyang malaman ang tungkol dito, tinatawag na niya ito ng madalas sa klase at
pinapagawa ng mga mumunting mga bagay para sa kanya. Doon ay nakabuo sila ng
tahimik na pagkakaibigan ngunit isang araw ay napagbaligan ang estudyante ng
kanyang init ng ulo at dama niya ang labis na pagkalungkot ng bata. Subalit
kahit ganoon ang nangyari, hindi pa rin nakalimot ang estudyante sa mga
ginagawa niya para sa guro sa araw-araw. At dahil sa ginawang ito ng bata,
nasabi ng guro sa kanyang sarili na ang kanyang mabuting estudyante ay kanyang
nagging guro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento